Sunday, November 25, 2012

Kisame

Dear Kisame,

Kamusta ka? Malapit ko na namang makabisa ang kinaroroonan ng lahat ng agiw mo. Bukod sa ilang dagdag na gabok, nananatili kang kimi. Tititigan na naman kita ng matagal ngayong gabi. Ikaw na tanging saksi sa lahat ng mga ngiti, kilig, galit, hinagpis at hikbing kubli sa lahat. Tititigan ko na naman ang maraming pulgadang layo mo sa akin habang ika'y tahimik na nakikinig sa bawat pagpatak ng luha. Susubukan ko muling abutin ang iyong kinaroroonan, gaya ng pilit na pag-abot ng aking isip sa mga sagot sa katanungan. Pilit kong uunawain ang mga naganap ngunit muling mabibigo. Bagkus, manatili akong blanko, gaya ng iyong reaksyon.

1 comment:

  1. seems you need to talk about it... i can lend you an ear...

    ReplyDelete