Thursday, September 8, 2011

Para Kay Iska

Gisingin muli ang diwa… Ang pagmamahal sa bayan… Sa kamalayan… Sa dunong… Sa hustisya…
Gisingin muli ang nahimbing na Iskolar ng Bayan na minsa’y nanumpa…
Nangakong hindi ipapariwara ang kaban ng bayang ginugol sa kanyang pag-aaral….
Nanumpang hindi mag-papaisa… Hindi magpapatanikala… Hindi tatanghod sa wala…
Hindi magiging biktima ng sistema o alipin ng pagkakataon…
Gisingin muli ang yabang na nagmula sa ideolohiyang sinubok ng panahon… Ibinasbas ng mga taon …
Gisingin muli si Iska na may mapusok na damdamin at pagkahaling sa kamalayan…
Gisingin si Iska na nakikialam at bumubuo ng kaalaman…
Yaong hindi marerehasan ang isipan at dadaming may maiigting na paniniwala…
Gisingin muli and diwa sa mula sa saglit na pagkahimlay sa banig ng walang katuturan…
Gumising ka iska… Matalino ka… Mag-isip ka…