Friday, July 13, 2012

-- 30 --

Madalas naman ang pagwawakas
Isang realidad sa pang-araw araw na buhay
Huling episode ng paboritong telenovela
Huling hininga ng paboritong artista
Pagtatapos ng isang gawain o relasyon, trabaho o bakasyon
Pagtatapos ng araw sa bawat takipsilim
Pagtatapos ng buwan o pagsasara ng taon

Madalas naman ang pagwawakas
Ngunit bakit laging kaakibat ang mabigat na pakiramdam

Hindi ko alam kung magpapadespedida ba ko o hahayaan ko na lang
Hindi ko alam kung pipiliin ang tahimik na pagiimpit ng pinto o ang madramang pagyayakapan bago lumisan
Nahihirapan akong maniwala sa kasabihang pag may nagsarang pinto, may nagbubukas ng bintana
Nahihirapan akong sumugal sa madilim na crossfade ng scene 1 and 2
Nalilito ako habang naglalakbay sa proseso na inuutas ni Kubler-Ross
Nahihirapan akong lunukin ang mapait na wakas

The end. Fin. 30. That's all folks.
Madalas naman ang pagwawakas
Ngunit bakit kada mangyayari iyon lagi nalang akong nasusuka.

1 comment:

  1. "The end. Fin. 30. That's all folks.
    Madalas naman ang pagwawakas
    Ngunit bakit kada mangyayari iyon lagi nalang akong nasusuka. "

    sakin nga nuon, hindi pa nagsisimula nakikita ko nang sumusuka eh....

    ReplyDelete